banner

DOLE katuwang sa pag-angat

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Patuloy pa rin ang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pagbibigay ng trabaho sa mga mag-aaral tuwing bakasyon. Ito ang kinumpirma ni G. Rico Val Bacuyag, Labor and Employment Officer lll in Charge of Livelihood Program ng makapanayam sa isang programa sa radyo kahapon, ika-14 ng Pebrero.

Ayon kay Bacuyag ngayong malapit na naman ang bakasyon muling bubuksan ng DOLE ang taunang programang ito  para sa mga mahihirap na estudyanteng 15 hanggang 30 taong gulang na may kakayanang magtrabaho.

Ilan sa mga dokumentong kailangang ihanda ng mga nagnanais na makabahagi sa programang ito ay ang mga sumusunod: birth/baptismal certificate, ITR o tax exemption kung nagtatrabaho ang magulang, certificate of indigency (nonwage earner parents) at report of grades (kailangan pasado) ng nakaraang school year.

Sinabi pa ni Bacuyag na kailangan aabot umano sa 20 araw hanggang sa 78 araw ang pagtatrabaho ng mga estudyante.

Nitong nakalipas na taong 2017 umabot sa mahigit sa 5,000 mahihirap na estudyante ang nabiyayaan ng nasabing programa ng DOLE sa buong lalawigan ng Bataan.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares