banner

Edgardo Piamonte Auditorium, instrumento ng buhay at kaligtasan ng mga mamamayan

Written by
  • Zeny S.
  • 4 months ago

Ito ang naging buod ng mensahe ni Gob. Abet Garcia sa pagbubukas ng ika-22 vaccination site sa lalawigan sa loob ng PENELCO compound na naitayo sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan, Philippine Red Cross-Bataan chapter at PENELCO.

Ito rin umano ang panglimang vaccination site sa Lungsod ng Balanga na sa dami umano ng binabakunahan araw-araw, kahit hindi taga-Balanga, ay hindi siya magtataka na ito ang maging unang lungsod sa labas ng Kalakhang Maynila na maaabot ang herd immunity.
Ibinalita din ni Gob. Abet na dahil mataas na naman bilang ng mga kaso sa bayan ng Mariveles, nakausap niya umano si Sen. Richard Gordon na Chairman ng Philippine Red Cross na balak umanong magtayo ng field hospital sa Mariveles para matulungan tayo.

Sinabi naman ni Cong Joet Garcia sa kanyang mensahe na ang pagbubukas ng vaccination site na ito, ay isa na namang patunay na dito sa Bataan ay nangingibabaw ang Private-Public Partnership (PPP) katulad ng nandyan ang simbahan, ang Red Cross, ang PENELCO, ang mga lokal na pamahalaan, at ang ating mga volunteers na simbolo ng pagtutulungan ng mga taga-Bataan na mapagtagumpayan ang iba’t ibang hamon na ating kinakaharap.

Binigyang-diin naman ni Bise Gobernador Cris Garcia sa kanyang maikling mensahe ang vision ni dating Gob. Tet Garcia na palakihin, palawakin ang BGHMC (dating Bataan General Hospita)l na sa ngayon ay mayroon nang limang gusali. At kailangan talaga na mag-focus tayo sa kalusugan dahil mababalewala ang lahat kapag ito ay ating napabayaan.
Ayon naman kay PENELCO Gen. Manager Loreto Marcelino, pinangalanang Edgardo Piamonte ang nasabing auditorium sa dahilang sa panahon ng panunungkulan ni G. Piamonte, isa sa kanyang vision ang magkaroon ng maganda, maaliwalas at world-class na auditorium ang PENELCO.

Sinabi rin ni Gob. Abet Garcia na, sa pagkakaroon ng maraming vaccination sites at tuloy-tuloy na pagbabakuna, nakikita niya ang liwanag ng masayang Pasko kung kaya’t ganon na lang ang pasasalamat niya sa PENELCO sa pagpapagamit at pagbasal sa Edgardo Piamonte Auditorium na magiging instrumento ng buhay at kaligtasan ng mga Bataeno.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares