banner

Francisco Balagtas, “William Shakespeare” ng Pilipinas

Written by
  • Zeny S.
  • 5 years ago

ORION, Bataan – Matapos ang magandang mensahe ni Gov. Abet Garcia sa pag-aalay ng bulaklak sa hardin ni Francisco Balagtas, si Congressman Joet Garcia naman ang siyang nagbigay ng mensahe sa pormal na pagbubukas ng programa sa Kampong Balagtas sa Orion Elementary School.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Congressman Joet na si Francisco Balagtas ay isang tanyag na Filipinong makata at malawakang itinuturing na isa sa pinakadakilang Filipino pampanitikan para sa kanyang mabisang pagsulat sa panitikang Filipino na kung saan ang pinakatanyag niyang obra ay ang Florante at Laura.

Upang higit na maisapuso ang mga katha ni Balagtas ay binasa pa ni Congressman Joet Garcia ang magagandang saknong sa Florante at Laura, at sinabing isang makatang nagpayaman sa ating kultura higit sa ating panitikan, masasabing siya ang “William Shakespeare” ng Pilipinas.

Nagpakitang gilas din ang magiting na Congressman na naging makata ng mga oras na iyon, tila ba siya ay nasa larong extra challenge.

Ibinalita rin ni Congressman Garcia sa mga taga Komisyon ng Wikang Filipino at National Commission for Culture and the Arts (NCCA),, ang kanyang ipinasang House Bill (panukala) upang ang probinsya ay magkaroon ng isang National High School for the Arts at nasa Committee on Appropriations na, at umaasa na sana ay pumasa sa Senado, na kung magkakaganun, ito ay magiging pangalawang high school for the arts, pangalawa sa High School for the Arts sa Makiling, upang sana ay makatulong ito sa ating mga kabataan na mahilig sa sining at kultura.

Sa nasabi ring programa ay pinarangalan sa Talaang Ginto, ang mga makata sa taong 2018 na sina, Paul Alcoseba Castillo (ikatlong gantimpala), Aldrin P. Pentero (ikalawang gantimpala) at ang makata ng taon, si Christian Jil R. Benitez para sa kanyang obra na “Sapagkat Pag-ibig ang Tuod sa pinakamahabang bugtos ng Kasaysayan.”

Article Tags:
·
Article Categories:
History · News

Comments are closed.

Shares