Halalan ng Local People’s Council ginanap sa bayan ng Pilar

Maituturing na makaysaysayan sa bayan ng Pilar, ayon kay Vice Mayor Ces Garcia, OIC- Mayor, ang pagkakatipon-tipon nang lahat ng mga Civil Society Organizations, na sa kauna-unahang pagkakataon ay matagumpay na naisagawa ang eleksyon para sa People’s Council nitong ika-24 ng Setyembre, patunay umano na ang boses ng bawat Pilarian ay mahalaga sa Pamahalaan.

 

Sa nasabing halalan sa pangunguna ng DILG-Pilar, MPDO at MCDO ay ipinaliwanag ang guidelines sa accreditation ng mga people’s organization, paghahalal ng mga opisyal ng Local people’s Council at pagpili ng mga kinatawan.

 

Nagpasalamat si OIC-Mayor Ces Garcia gayundin sina Konsehal Sandy Enriquez at Mar Caguimbal sa aktibong partisipasyon ng mga nagsidalo na siya umanong magiging susi sa kanilang inklusibong programa at serbisyo sa mga taga Pilar.

Leave a comment

Live Search