banner

Halalang pang Barangay at SK sa Bataan naging mapayapa

Written by
  • Mhike R. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Naging mapayapa sa pangkalahatan ang idinaos na Barangay at Sangguninang Kabataan Elections 2018 sa 237 barangay ng Bataan nitong Lunes, Mayo katorse.

Ito ang iniulat ng Bataan Police Provincial Office sa pamumuno ni OIC Provincial Director, Senior Supt. Marcelo Dayag. Ayon kay Police Senior Insp. Edsel Carbungco, action officer ng Provincial Election Monitoring Action Center, walang napaulat sa kanila na anumang naging untoward incidents.

Sa kabuuan ay idineploy ang 730 pulis kabilang ang Special Action Force, PNP Maritime Group, at sampung sundalo mula sa AFP sa labing isang bayan at isang syudad ng Bataan para isecure ang mga polling centers at mga vital installations ng lalawigan.

Dalawa hanggang tatlong pulis ang naka duty sa sa bawat polling center.

Ayon sa Comelec Bataan, naitala nila ang 689,083 bilang ng mga botante kung saan 180,676 dito ay mga botante para sa Sangguniang Kabataan at ang 508,407 dito ay mga botante sa Barangay positions.

Isinagawa ang pagboto ng nga Bataeño sa 167 voting centers na may kabuuang 3,522 established polling precincts.

Article Tags:
·
Article Categories:
News · Peace & Order

Comments are closed.

Shares