banner

IRA share ng barangay, tataas ng 30%

Written by
  • Zeny S.
  • 3 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Sa nakaraang Barangay Seal of Good Local Governance awarding ceremony sa bayan ng Orani ay masayang ibinalita ni Cong Joet Garcia ng 2nd district bilang panauhing pandangal na ang matagal na ipinaglaban ni dating Gov. Tet Garcia (na kanyang ama) upang maibigay sa mga pamahalaang lokal ang kaukulang share sa Internal Revenue Allotment (IRA) mula sa national government ay maibibigay na.
Ayon kay Cong Joet, tapos na at nanalo ang kaso na ipinayl ni dating Gov. Tet noong 2013, na ayon pa kay Cong Joet ang pinakamalaking legasiya ni Gov. Tet na kahit namayapa na ay patuloy pa ring tinutungan ang mga Bataeños.

Paliwanag pa ng batang Garcia na, ang pagkakapanalo ng kasong ito ay nangangahulugan na magiging mas malaki na ang share ng bawat
bayan, bawat barangay sa tinatawag na IRA.
Dahil dito, inaasahang tataas ang matatanggap na share ng bawat barangay mula sa national government ng 30%. Subali’t ito ay ipatutupad pa sa year 2022.
Binanggit din ni Cong Joet ang madalas sambitin ni dating Gov. Tet Garcia na,”Being in the frontline, local government units, the barangays, the municipalities are being regarded by many citizens as the government. If the local governments fail and our congressmen sit on the basic needs of our people, then the government of these people is a failure regardless of the grandiose plan and vision that the national government ask.”

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares