banner

Isang araw na lakbay aral ng FIBA

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Nagdaos ng isang araw na Lakbay Aral ang mga kaanib ng Farmer Innovators of Bataan Association o FIBA kasama ang mga lider ng proyekto na mga guro ng Bataan Peninsula State University o BPSU Abucay Campus sa Flourish Farm Basuit, San Ildefonso Bulacan nitong nakaraang Setyembre 28.
Ayon kay Dr. Rina Paguia, project Leader ng BPSU Abucay Campus mas mainam lumawak ang kaalaman ng ating mga farmer cooperators sa pagpapalago hindi lamang sa pagkakabute pati na rin ang oyster mushroom sa Bataan.
Ang Flourish Farm na pag-aari ni G. Faustino Paulo B. Aromin, ay isa sa pinakamalawak na gawaan at alagaan ng oyster mushroom sa Central Luzon.
Sinabi ni G. Aromin, na kailangan ay makalikha ka ng magandang produkto at serbisyo na makakapagbigay ng mataas na kita sa mga magsasaka, gayundin ang pagpapalago at kalidad sa industriya ng mushroom sa Pilipinas.
“Nagustuhan ko ang negosyong mMushroom dahil ito ay high value crop, organic, environment friendly, fast turn-over of investment, high market demand, small area requirements, covered cultivation at urban farming” dagdag na pahayag pa ni G. Aromin.
Pinasalamatan naman ni Julian Gigante ang pamunuan ng BPSU Abucay Campus sa pangunguna ni Dr. Rina Paguia, Project Leader, Christian Balba, Study Leader CBRMP, at Mirasol Rosano, Support Staff-CBRMP sa walang sawa nilang pagbibigay ng dagdag na kaalaman, tulong at suporta sa FIBA.

Article Tags:
·
Article Categories:
Business · News

Comments are closed.

Shares