LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Isa ang Iskolar ng Bataan sa mga nakatuwang ng Pamahalaang Panlungsod sa pagpapaigting sa programa ng edukasyon.
Ayon kay City Mayor Francis Garcia sa kanyang State of the City Address (SOCA), ang Iskolar ng Bataan ang ginawang extension program ng pamahalaang panlungsod sa pagtuturo sa pagbabasa sa mga mag-aaral sa elementarya sa mga pampublikong paaralan, kasama nito ang gabay kaalaman na nagbibigay ng tutorial sessions sa mga subjects na Math, Science at English.
Dagdag pa ng butihing Mayor, marami pang programa ang siyudad para mapagtibay ang larangan ng edukasyon tulad ng “Project Duke” para sa mga out-of-school youth, Batang Sining na nagsasanay sa mga skills ng mga bata sa larangan ng musika, pagsayaw, pagpipinta, photography at graphic arts.
Para lalo pa umanong malinang ang pagkamalikhain o dreativity ng mga bata, nagbigay ang pamahalaang panlungsod ng limang (5) logo mindstorm robots sa Cupang Elementary School at walo (8) naman sa Bataan National High School, kung saan tinuruan din ang mga mag-aaral ng “coding system” para malaman kung papaano pagagalawin ang mga nasabing robot.
Ang city library naman, ayon din kay Mayor Francis, ay isa umanong “Tech 4 Ed” at LEAP accredited facility kung saan dito ginaganap ang mga mentoring/story telling sessions at ang Rural Impact Sourcing (RIS) scholars na nagdaos ng training sa digital marketing.
Idagdag pa dito umano ang taunang university town summit, na pagtitipon ng mga estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo, mga guro at piling magulang, na naglalayong buksan ang kaisipan ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa mga diskusyon sa “labas” ng kani-kanilang kursong pinag-aaralan.
Bunga ng lahat ng mga programang ito sa edukasyon ay nakilala ang Lungsod ng Balanga bilang “TOP PRODUCER” ng mga kalidad na empleyado.