LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ibinida noong Huwebes ni Bataan Provincial PNP Director P/Sr.Supt. Marcelo Dayag sa harap nina dating PNP Director General Ronald dela Rosa at dating Special Assistant ng Pangulo Bong Go na ang Lalawigan ay ang kauna-unahang na naging drug-free sa bansa sa administration ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang naging pahayag ni PD Dayag sa idinaos Provincial Anti-Drug Assessment na ginanap sa Lou-Is Restaurant sa Lungsod na ito na dinaluhan ng mga opsiyal ng barangay sa buong lalawigan.
Ayon kay Col. Dayag mula sa 92 porsientong barangay sa Bataan na umano’y apektado ng illegal na droga noong 2016, ay nakuha pa nitong maging unang drug-free province sa bansa dahil sa mahigpit na kampanya ng kapulisan sa droga.
Idinagdag pa ni PD Dayag ayon sa datos, umabot sa 9,088 ang bilasng mga na tahanan na kanilang binisita at 1,305 ang kanilang ginawang anti-illegal drug operation mula July 2016 hanggang nitong buwan ng December 2018 sa iba’t ibang lugar ng Bataan.
Ipinangako ng PNP na tuluy-tuloy ang kanilang gagawing kampanya laban sa droga upang matuldukan ang mga krimen sa buong lalawigan.