banner

Kasalang Bayan, pinapatatag ang pamilya

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

DINALUPIHAN, Bataan – Nagpasalamat ang 80 pares na mag-asawa na nakilahok sa libreng Kasalang Bayan 2018 na inorganisa ng lokal na pamahalan ng bayang ito sa pamumuno ni Mayor Gila Garcia katuwang sina Vice-Mayor Renato Matawaran kasama ang kanilang mga konsehal  nitong ika-20 ng Hunyo sa Bulwagan ng Bayan ng bayang ito.

Sa mensahe ni Mayor Garcia, pinasalamatan niya ang lahat ng nakiisa sa programang ito dahil sa kanyang hangaring   patatagin ang bawat pamilya sa bawat barangay ng Dinalupihan para maging mas maganda at maayos ang pamayanan.

Ayon kay Vice Mayor Matawaran pinalalawak nila ang mga ganitong Kasalang Bayan para maunawaan ng bawa’t isa ang kanilang mga responsabilidad hindi lamang sa kanilang sarili o pamilya maging sa kumunidad din.

Ang pinakamatandang ikinasal ay nasa edad na 63 taong gulang na babae na nakilalang si Deolita Ariaga at ang kanyang asawa ay si Baltazar Alimpuyo, 53 na 30 taon nang nagsasama at biniyayaan ng 3 anak. Ang pinakabata naman na kabilang sa 80 ikinasal ay nasa edad na 18.

Ang taunang Kasalang Bayan ay isinasagawa tuwing sasapit ang selebrasyon ng Kapistahan o Kaarawan ni St. John de Baptist ang mahal na patron ng bayan ng Dinalupihan sa ika-24 ng Hunyo.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares