Katas ng basura ng Limay, diretso sa Manila Bay

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ito ang personal na natuklasan ni DENR
Undersecretary Benny Antiporda matapos ang ocular inspection na ginawa sa Limay open dumpsite kahapon.
Sa press briefing na ginawa ni Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Unit Concern and Supervising for Strategic Communications and Initiative Services (SCIS), ang operasyon ng open dumpsite ng Limay ay tahasang paglabag sa RA 9003 o mas kilala sa tawag na Ecological Solid Waste Management, sa dahilang ang katas ng nasabing basura na dumadaloy sa Mamala river ay diretsong umaagos sa Manila Bay.
Ayon pa kay Usec Antiporda na anumang paglilinis ang gawin sa Manila Bay kung patuloy na may ganitong iligal na gawain ng pagtatapon ng basura ay wala ring mangyayari at ito ay hindi pinapayagan ng DENR.

Sinabi pa ni Antiporda na ipinagtataka niya na ang nasabing dumpsite ay ipinasara na noon pang 2015 gayundin may existing kontrata ang bayan ng Limay sa Metro Clark Solid Waste Management pero hndi sila nagtatapon ng basura doon bagkus ay dito nila itinatambak sa kanilang open dumpsite.
Kung kaya’t matapos ang nasabing ocular inspection at personal na makita ang masamang sitwasyon ng basura na tahasang makakasama sa kalikasan partikular na sa pag agos ng katas nito sa Manila Bay ay agad na ipinag utos nito sa grupo ng DENR Bataan sa pamumuno ni PENRO Mamac na agad i-serve ang Cease and Decease Order (CDO) kay Mayor Lilver Roque at buong
Konseho nito gayundin i-padlock ang nasabing open dumpsite para matigil na ang operasyon.
Ipinaliwanag din ni Undersecretary Benny Antiporda na kahit hindi sila humarap sa pagse serve ng CDO na sana ay pagkakataon na para makapagpaliwanagang ang mga nasabing opisyal ay itutuloy pa rin ng DENR ang pag sasampang kaso sa OMBUDSMAN dahil sa pagkasira ng kalikasan.