NewsSocial Welfare

Labor Day treat sa mga manggagawa

0

Bilang pagsaludo sa mga manggagawa, nagsagawa ang Bataan Chamber of Commerce and Industry, Inc. (BACCII) ng community pantry sa Bgy. Upper Tuyo, Balanga City kung saan 200 residente ang mga nabiyayaan.

Ayon kay Gng. Amanda Battad, Pangulo ng BACCII, napagkasunduan nilang isagawa ang nasabing community pantry sa Araw ng Paggawa bilang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng mga empleyado, frontliners, factory workers, magsasaka at iba pa. sa patuloy na pagbibigay ng tapat ng serbisyo lalo na sa panahon ng pandemya.

Ilan sa mga donasyong ipinamahagi ay gulay, bigas, de-lata, tinapay, suka, toyo, dried fish, tinapa, tuyong dilis na mga produkto mismo ng mga miembro ng BACCII.
Naging maayos naman umano ayon sa opisyal ng barangay ang nasabing community pantry sa tulong ng mga miyembro ng PNP na naghandog/nagpakain ng lugaw sa mga tao.

Bayanihan on Wheels sa Samal, gumulong na

Previous article

Transport coop joins modernization program

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News