banner

Lalabag sa protocol, sasampahan ng kaso

Written by
  • Jonie L. C.
  • 3 months ago

Binalaan ng mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles na sasampahan ng kaso ang sino mang lalabag sa mga ipinatutupad alituntunin lalo na ngayong ang kanilang bayan ay nasa ilalim ng Enhance Community Quarantinewith heightened restrictions na sinimulan nitong ika-8 hanggang ika-22 ng Agosto.

Ang hakbang na ito ay upang mapigilan ang mabilis na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa Mariveles na lubhang napakataas kumpara sa ibang munisipalidad sa Bataan. Dahil dito, hinimok ni Mayor Castañeda, ang kanyang mga kababayan na sama-sama nilang labanan ang pandemya, hindi nila kayang igupo ang ECQ kung walang kooperasyon ang taong bayan.

Pinaalalahanan din ng punong bayan ang kanyang mga kababayan na ugaliing magsuot ng face mask, face shield, sumunod sa social distancing, palaging maghugas ng mga kamay at manatili sa tahanan kung di naman mahalaga ang dahilan ng paglabas ng bahay.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares