Ito ang tiniyak ng Pamahalaang Bayan ng Abucay sa pamumuno ni Mayor Liberato P. Santiago, Jr. kaugnay sa napipintong pagsailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ sa buong lalawigan ng Bataan.
Sa panayam ng 1Bataan News kay Municipal Administrator, Engr. Estoy Vergara nitong Hueves, bagamat mababa lamang kaso ng Covid-19 sa bayan ng Abucay (42 active cases as of Aug. 3, 2020) kailangan pa rin aniyang makiisa sa naging kasunduan ng Provincial IATF at ng lahat ng mayors ng Bataan.
Ito aniya ay dahil marami rin ang mga nagtatrabaho na taga Abucay sa bayan ng Mariveles (na may pinakamataas na Covid-19 active cases sa Bataan -1,171 as of Aug. 3), Limay at iba pang economic zones sa loob at labas ng Bataan.
Dahil dito ay mas pinaigting pa ng LGU Abucay ang contact tracing efforts pati na ang vaccine roll-out kontra COVID-19.
As of August 3, 2021 ay umabot na sa 2,499 Abukeño ang naturukan ng 1st dose at 1,990 ang fully vaccinated na.
“Magkakaroon kami ng bagong vaccination center at simula Lunes ay operational na ito,” pagtitiyak pa ni Administrator, Engr. Vergara.
Nitong Miyerkoles ay nagpulong ang Municipal IATF ng Abucay na pinangunahan ni Mayor Pambato Santiago at Engr. Vergara kasama ang 9 na punong barangay at mga concerned local and national offices at tinalakay ang mga hakbangin sa magiging epekto at tulong na maibibigay ng LGU sa mga Abukeñong labis na maaapektuhan sa sandaling isailalim na sa ECQ ang buong Bataan.