banner

Magparehistro na sa Philhealth Konsulta

Written by
Magparehistro na sa Philhealth Konsulta
  • Zeny S.
  • 1 year ago

Pinangunahan ni Cong. Gila Garcia ng ikatlong distrito ng lalawigan ang PhilHealth Summit and Konsulta Member Registration 2023, na ginanap sa Mariveles Mental Wellness and General Hospital (MMWGH) nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Cong. Gila layunin ng gawaing ito na mahikayat ang lahat na magparehistro at gamitin ang Konsulta Package para masiguro na ang lahat ng mamamayan ay mabibigyan ng primary health care benefits at mga serbisyong pangkalusugan para makaiwas o maagapan ang anumang sakit.

Sinabi naman ni Acting Vice President ng Philhealth PRO lll, Edgardo Faustino at iba pang opisyal ng Philhealth, na sa pakikipagtulungan ni Cong. Gila Garcia at iba pang opisyal ng Mariveles ay nais nilang ibaba sa mga mamamayan ang naturang serbisyo na malaking tulong para maagapan ang pagkakasakit gayundin makatipid dahil maraming libreng serbisyo ang naturang programa ng Philhealth.

Ayon pa kay Cong Gila, patuloy siyang makikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya tulad ng Philhealth, para makamit ng ating mga mamamayan ang de-kalidad na serbisyo para sa lahat. Dumalo din sa nasabing gawain sina Dr. Lourdes Evangelista, Director ng MMWGH;Vice Mayor Lito Rubia, Konsehal Dan Banal at Doña Alonzo ng AFAB.

Article Categories:
Health

Leave a Reply

Shares