banner

Magsasaka, nagsanay sa pagpaparami ng vermi (bulati)

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Dumalo ang mga opisyal at miyembro ng Farmer-Innovators of Bataan Association FIBA sa isang Training on Vermiculture and Sustainable Vegetables Production na inilunsad ng Bataan Peninsula State University (BPSU) Abucay Campus at ng Department of Agriculture Regional Field Office-3 na ginanap sa David Farm Brgy. Upper Tuyo nitong nakaraang Hunyo 13.

Sinabi ni Dr. Rina Paguia, ng BPSU, Project Leader na kailangan na maging masinop sa pag-aalaga ng mga gulay at palay ang mga lumahok sa nasabing pagsasanay, at isa  ito sa mga proyekto na kanilang tinututukan ngayong tag-ulan para maging matagumpay ang mga magsasaka.

Itunuro naman ni Christian Balba ng BPSU, kung papaano ang pagpaparami ng vermi, kung saan ang dumi nito ang gagamiting pataba sa mga gulay at palay na itatanim ng mga magsasaka,

Kaugnay nito namahagi ng tig dadalawang kilo ng vermi, tig dadalawang kaban ng palay para gawing binhi para sa isang ektarya, tig aanim na abono at mga binhing gulay ang BPSU at DA-RFO-3 sa 15 indibidwal na kasapi ng FIBA sa mga bayan ng Orani at Pilar at sa lungsod na ito.

Inaasahan ng BPSU at ng DA na sa susunod na pagtatanim magagamit na ng mga magsasaka ang maiipong dumi ng vermi para sa kanilang pananim.

Samantala pinasalamatan ng mga magsasakang tumanggap ng mga naturang binhi ang naturang mga ahensiya na gumagabay sa kanilang sakahan.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · News

Comments are closed.

Shares