COVID-19 News

‘Malawak na pang-unawa at kooperasyon’

0

Nanawagan noong Biyernes si Bataan Gov. Albert Garcia para sa malawak ng pang-unawa at kooperasyon ng mga Bataenos sa gitna ng pagdami ng kaso Covid-19 lalung-lalo na sa bayan ng Mariveles. Ang panawagan ay ginawa ng gobernador sa kanyang pakikipanayam sa mga mamamahayag sa The Bunker (provincial Capitol building), isang araw matapos ang pulong ng mga gobernador ng Central Luzon sa pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Pampanga.

Sinabi ni Garcia na higit kailanman, mas kailangan ng mga Pilipino lalu na ng mga taga-Bataan na magkaisa at magtulungan sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask, face shield at sumunod sa social distancing upang maiwasan ang pagkalat ng corona virus.

Ang punong ehekutibo ng lalawigan ay nakipagpulong na sa mga opisyal ng Mariveles sa pangunguna ni Mayor Jocelyn Castaneda, mga health workers at barangay officials, kung saan tinalakay ang isyu tungkol sa paglalagay sa localized lockdown simula Sityembre 12-26, 2020.

Ang hakbanging ito ay nakatakda pa umanong aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) national level bago i-implementa. Base sa ulat ng lokal na IATF, umabot na sa 549 ang kaso ng mga nagpositibo sa Coronavirus sa Mariveles, kasama na umano rito ang mga manggagawa sa Freeport Area of Bataan (FAB) na tinamaan ng Covid-19.

Nagpapatuloy pa umano ang isinasagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo.

SBMA releases P154.87-million LGU shares

Previous article

Ayuda ng lalawigan sa siyam na barangay, handa na

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply