banner

Maliliit na manggagawa, PWD’s makatatanggap ng ayuda

Written by
  • Zeny S.
  • 4 months ago

Dama ni Mayor Aida Macalinao ng Samal ang matinding pahirap na epekto ng ECQ o Enhanced Community Quarantine sa kanyang mga maliliit na mga manggagawa tulad ng mga jeepney at tricycle drivers, mga solo parents at maging mga persons with disabilities o PWD’s kung kaya’t hindi siya nagdalawang-isip na bigyan ang mga ito ng ayuda mula sa Pamahalaang Bayan ng Samal.

Sa bisa ng mga Municipal Ordinances na ipinasa ng kanilang Sangguniang Bayan makatatanggap ng allowances ang mga barangay health workers at barangay tanod na tig- 2,000 piso; samantalang ang mga miyembro ng lupong tagapamayapa ay makatatanggap ng tig – 500 piso.

Dagdag pa ni Mayor Macalinao na bagama’t maliit na halaga ay naniniwala siyang kahit papaano ay makatutulong ito sa kanyang mga kababayan sa panahon ng pandemya.
Malaking pasasalamat naman ang ipinaaabot niya kay Gob. Abet Garcia sa ipinamahagi nitong tig-25 kilo ng bigas na kung saan, 12,000 pamilya ang nagbenepisyo sa kanyang bayan. Gayundin sa 200 sako ng bigas mula kay Cong. Geraldine Roman.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares