banner

Mass vaccination, sinimulan na sa bayan ng Pilar

Written by
  • Zeny S.
  • 2 years ago

Sinimulan na kahapon, unang araw ng Hunyo ang mass vaccination sa bayan ng Pilar. Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, nasa 100 katao ang makakayang bakunahan sa isang araw sa Pilar Convention Center sa Brgy. Alauli na pansamantalang itinalaga bilang Pilar Municipal Vaccination Facility.

Sinabi ni Mayor Pizarro na bagama’t sa ngayon ay 300 bakuna lamang ang inilaan sa kanila, ay naniniwala siya na magtutuloy-tuloy na ito dahil sa marami na umanong bakunang makukuha ang lalawigan mula sa DOH at paparating na rin ang mga bakunang binili ng lalawigan.

Sa kanyang pagmamasid sa pasilidad noong umaga, sinabi ng mga nangangasiwa na maayos ang proseso ng pagbabakuna mula sa grupo ng A1-frontliners, A2-senior citizens at A3- persons with comorbidities na masaya pang nakipag usap sa punong-bayan.
Kung kaya’t ngayon pa lang, pinulong na umano ni Mayor Charlie ang mga punong barangay para paghandaan ang iskedyul ng pagpunta ng mga tao sa vaccination facility upang hiindi magkagulo matapos ang priority group.

Maigting pa rin ang panawagan ni Mayor Charlie sa kanyang mga mamamayan na kahit nabakunahan na ay kailangang sundin pa rin ang mga health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Article Categories:
Covid-19 Update

Leave a Reply

Shares