banner

Mayor Concepcion, nasiyahan sa paqbubukas ng Fiesta Communities

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

MARIVELES, Bataan – Pinasalamatan noong sabado ni Mayor Ace Jello Concepcion ang Presidente at chief Executive Officer ng Fiesta Community Inc. na si  G. Wilfredo Tan sa pagtatayo nito ng isang komunidad sa Barangay Balon Anito ng bayang ito.

Ayon kay Mayor Ace noong panahon pa ng kanyang amang si dating Mayor Jesse ang pangarap na ito na nagkaroon ng magandang housing project sa kanilang mahal na bayan.at ngayon ay nagkaroon na ito ng katuparan

“Kung naalala ninyo na itong site na ito ay mahirap idevelop pero sa magandang loob ng ating developer, sinugalan nila dahil nakita nila ang malaking pangangailangan ng ating mga kababayan na magkaroon ng sariling bahay at ito nga po, ang pangarap namin ni Bataan Governor Albert Garcia ay unti-unti nang nalulutas.” pahayag ni Mayor Concepcion.

Masaya ang Punong Bayan na mayroong ganitong proyekto sa kanyang nasasakupan sapagka’t nakikita nila na lumalaki na rin ang kanilang populasyon at patuloy ang pagdagsa ng mga manggagawa sa loob ng Free Port Area of Bataan.

Lumilitaw sa kanilang nakaraang sensus noong 2015 mahigit sa 127,000 katao na ang residente sa bayang ito na binubuo ng labing walong barangay bukod pa sa 37,000 trabahador sa loob ng FAB.

Article Tags:
·
Article Categories:
Business · News

Comments are closed.

Shares