banner

Mga bagong AFAB BOD, nanumpa sa tungkulin

Written by
Mga bagong AFAB BOD, nanumpa sa tungkulin
  • Zeny S.
  • 5 months ago

Noong ika-23 ng Hunyo ay nanumpa sa tungkulin ang mga bagong talagang Board of Directors ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) sa harap ni Mariveles Mayor, Atty. AJ Concepcion.

Kinatawan ni Atty Aurelio C. Angeles Jr., ang Lalawigan ng Bataan; G Armando P. Rubia, bayan ng Mariveles; G. Michael Dennis Ballesteros at G. Conrado G. Marty, mula sa national government; G. Benjamin M. Tancio, mula sa mga lokal na mamumuhunan at G. Pablo M.Gancayco, kinatawan ng mga dayuhang mamumuhunan. Ang kanilang pagkakatalaga ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Matapos ang nasabing panunumpa sa tungkulin ay agad nakipagkita ang mga bagong talagang BOD kay AFAB Administrator Hussein P. Pangandaman kung saan ay ipinakilala niya ang kanyang mga tauhan na sina Atty Percival B. Peralta, Atty Michael Angelo Paderanga at Agosto A. Kimpo. Sa araw ding iyon ginanap ang kanilang kauna-unahang board meeting.

Article Categories:
Business · News

Leave a Reply

Shares