banner

Mga motorista, pinaalalahanan

Written by
  • Jonie L. C.
  • 5 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Binigyang paala-ala ng hepe ng Highway Patrol Group sa Bataan ang mga miyembro ng Police Hotline Movement Inc. PHMI (Bataan at Zambales Chapters), tungkol sa mga panuntunan sa pagpapatakbo ng kanilang motorsiklo sa lansangan noong Martes, ika-17 ng Abril sa Sitio Maluang Barangay Cupang Proper ng lungsod na ito.

Ayon kay P/Insp. Marlon Agno, Hepe ng Highway Patrol Group, siya ay dumalo sa nasabing seminar ukol sa Road Safety upang personal na tugunan ang mga katanungan hinggil sa kung ano ba ang bawal at hindi sa pagpapatakbo ng motorsiklo sa lansangan.

Ipinaliwanag ni P/Insp. Agno na bawal ang maglagay o magkabit ng dobleng busina, led light, stereo at malalakas na ugong ng tambutso sa kanilang motor.

Papayagan umano ang mga ilaw na isahan na isasabit nila sa mga motorsiklo ngunit pwede lamang nila itong gamitin kapag madilim sa lugar na kanilang pupuntahan.

Idinagdag pa ni P/Insp. Agno na higit sa lahat kailangang nakarehistro ang kanilang gamit na motorsiklo at may lisensiya ang nagmamaneho nito.

Kanilang kukumpiskahin at i-iimpound ang mga motorsiklo na mahuhuling lalabag sa mga nabanggit na patakaran.

Dumalo din at pinasalamatan ni PHMI Provincial Directress Yolly Paulo ang lahat ng mga dumating sa naturang seminar.

Article Tags:
·
Article Categories:
News · Peace & Order

Comments are closed.

Shares