banner

Mga tindera ng isda, nakatanggap ng tulong

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

PILAR, Bataan – Masayang tinanggap ng may isang daan at animnapung (160) tindera ng isda ng bayang ito ang mga makabagong gamit sa pagtitinda mula sa Department of Agriculture noong ika-9 ng buwang kasalukuyan.

Ayon kay Bb. Maria Cecilia Ramos, Bureau Fisheries Technician sa Pilar tinanggap ng mga tindera ng isda ang mga cooler, kiluhan at mga tray para magamit nila sa kanilang pagtitinda.

Sinabi pa ni Bb. Ramos na ang pondong ipinambili ng mga gamit na ipinamahagi sa mga tindera ay mula sa kanilang premyo sa programa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resource BFAR Region-3 noong taong 2016, sa sino mang Munisipalidad ang maunang makapagsubmit ng 100 bangkang nakarehistro (Boat R) sa kani-kanilang bayan. Ang bayan ng PIlar ay pumasok sa nasabing proyekto kaya naman tumanggap sila ng halagang P2 milyon.

Pinaalalahanan naman ni Bb. Melissa de Leon, Aquacultural Technician ll ang mga tindera na ingatan, mahalin at itabi nang maayos pagkatapos gamitin ang mga gamit na ipinamagi ng pamahalaan sa kanila.

Kaugnay nito pinasalamatan ni Christina Gabin, Presidente ng Fish Seller Association sa Wawa ang Pamahalaan ng Pilar sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Alice Pizarro sa mga tulong na kanilang ibinibigay sa mga grupo ng mangingisda ng Pilar.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · News

Comments are closed.

Shares