banner

Nabakunahan sa Dinalupihan, umabot na sa 7 libo

Written by
  • Zeny S.
  • 10 months ago

Ayon kay Dr. Lahaina Bulaong, Municipal Health Officer ng Dinalupihan, umabot na sa pitong (7) libong katao ang nabakunahan na ng 1st dose sa bayang ito habang limang (5) libo naman ang natapos na ng 2nd dose.

Ayon sa mga taong nabakunahan na at babakunahan pa lamang sa Bulwagan ng Bayan, na isa sa mga vaccination sites dito, natutuwa umano sila dahil maayos at organisado ang sistema ng pagbabakuna. Pagpagdating pa lang umano ng tao ay inaabutan na sila ng tinapay at bottled water at magalang na inaalalayan ng mga tauhan ng PNP, MHO at MSWO.kung paano at saan ang susunod na hakbang
Kapag umano ang nabakunahan na ay may kakaibang naramdaman, ito ay inoobserbahan at kung kinakailangan ay binibigyan ng gamot o dinadala agad sa district hospital na walang anumang babayaran.

Sa direktiba rin umano ni Mayor Gila, kapag ang binakunahan ay mahihirapang makauwi, ito umano ay inihahatid nila sa kani-kanilang bahay.
Samantala tuloy din ang magandang sistema ng pagbabakuna sa iba pang vaccination sites sa Dinalupihan tulad ng sa Dinalupihan Elementary School at sa Brgy. Colo.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares