banner

Negosyo Center sa Orion, pormal nang binuksan

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

ORION, BATAAN – Pinangunahan nina 2nd District Congressman Joet Garcia, Department of Trade and Industry (DTI) Region-lll Director Judith Angeles at Vice- Mayor Virgilio Isidro ang pagbubukas ng Negosyo Center sa bayang ito kahapon.
Ayon kay Congressman Garcia malaking tulong ito sa lahat ng mga nagnanais magtayo ng kanilang negosyo sa Orion dahil sila ay tutulungan sa lahat ng kanilang pangangailangan ng mga empleyado ng DTI sa Bataan.
Sinabi naman ni Regional Director Angeles, na ang Negosyo Center sa Orion ay pang walumput pito (87) na sa 130 lungsod at munisipalidad sa Gitnang Luzon na nabuksan at pang walo sa Bataan.
“Kami ang bahalang mag develop, mag training, kung papaano ma-improve hindi lang ang kanilang kapasidad pati na ang leadership at managerial skills naq kailangan nila sa kanilang nais pasuking negosyo” ani pa Ms. Nora Reclosado-Officer in Charge Development Counselor.
Sinabi ni DTI Provincial Director Nellin Cabahug “ Tutulungan natin silang mapalago ang kanilang mga ginagawa at mga ibinebenta, ang kailangan natin ay massive dissemination at promotion at sana later on masama sila sa Likha ng Central Luzon, ang pangunahing layunin at taking advantage ay mayroon tayong port, may pasalubong center tayo talagang kailangan na maalagaan ang Orion bilang source ng mga magaganda at masasarap na pagkain at iba pang produkto.
Samantala pinasalamatan naman ni Vice-Mayor Isidro ang DTI dahil bukod sa dadami ang mga magnenegosyo sa kanilang bayan ay makikilala pa ang Orion sa mga maglalabas ng mga produktong masasarap na pagkain sa bansa.

Larawan mula sa Fb page ni Cong Joet Garcia.

Article Tags:
·
Article Categories:
Business · News

Comments are closed.

Shares