banner

NHA, nagbabala sa mga awardees ng pabahay ng NHA

Written by
  • Zeny S.
  • 5 years ago

HERMOSA, Bataan – “… kapag hindi nila tinirhan ang bahay ay aalisin sila sa listahan ng pagmamay-ari nito”. Ito ang matinding babala ng National Housing Authority sa pamamagitan ni Ms.  Ines Gonzales, NHA Director for Bataan, Zambales and Pampanga, sa may 508 awardees ng pabahay sa bayang ito.

Ipinaliwanag ni Gonzales na ang mga nasabing pabahay ng NHA na nasa bgy Mabuco ng bayang ito ay nakalaan sa mga uniformed personnel ng gobyerno subalit nakakalungkot ayon pa sa kanya na wala isa mang nagka interest na tumira dito kung kaya’t nang umupo si Mayor Jopet Inton at nalaman ang tungkol dito ay agad itong nakipag usap sa matataas na opisyal ng NHA para mabigyan ng pabahay ang kanyang mga kababayan.

Sa nakaraang paggagawad ng katibayan ng alokasyon ng pabahay ng NHA na inisyal na ibigay sa may 508, sinabi ni Gonzales na ang mga ito ay dumaan sa masusing screening na nagpapatunay na sila ay totoong homeless,  walang pag-aaring bahay at lupa duly certified ng Provincial Assessor, na dito ayon pa sa kanya ay hindi pwedeng manloko ang sinuman dahil ang 37 na na-disqualify ay dahil napatunayan sa Assesor na may pag aari silang bahay at lupa.

Samantala, sinabi nina Mayor Jopet Inton, Atty Ariel Inton at Konsehala Luz Samaniego, chairperson sa Komite on housing na, sisimulan na nila ang pagpo proseso ng iba pang batch ng mga awardees maging ito ay uniformed personnel, mga teachérs, empleyado ng LGU at mga mamamayan. Mariing sinabi ni Mayor Inton na sa halip na mga kasapi ng grupong KADAMAY ang sumalakay at mag may-ari dito ay mga kababayan nya sa Hermosa ang dapat ng may mag ari ng mga pabahay na ito.

Article Tags:
·
Article Categories:
Infrastructure · News

Comments are closed.

Shares