banner

Opisyales ng SM Foundation, humanga kay Mayor Gila

Written by
  • Zeny S.
  • 5 years ago

DINALUPIHAN, Bataan – Gayon na lamang ang papuri ng mga opisyales ng SM Foundation particular na si Bb. Cristy Angeles, Asst. Vice President, Livelihood and Outreach Program ng nasabing foundation na nagsabing, “Ang maganda sa Dinalupihan, the best ang mayor na si Mayor Gila Garcia na talagang pinag-aaralan ang proyekto at tutok sa bawat participant para talagang magkaroon ng sustainability.”

Sinabi pa ni Bb. Angeles na isang dahilan sa tagumpay ng kanilang proyekto ay ang mahusay na coordination ng LGU, tulad ng ginagawa ni Mayor Gila.

Ang kabalikat sa kabuhayan, ayon pa sa opisyal, ay may layuning mabago ang buhay ng mga magsasaka, kung kaya’t mula sa LGU ay kumuha rin sila ng mga stakeholders tulad ng DTI, DSWD, DA, BDO at iba pa, upang ang grupo ng mga magsasaka ay matulungan pa sa ibang aspeto ng nasabing livelihood project.

Ipinaliwanag din ni Bb. Cristy na ang Banco de Oro (BDO) ang magtuturo umano ng financial literacy sa ating mga magsasaka kung papaano humawak at gamitin o I manage ang pera; ang DSWD naman sa capability building, ang DA sa makabagong teknolohiya, ang DTI sa pagpapaunlad pa ng kanilang negosyo at iba pang stakeholders para masiguro ang tagumpay ng proyekto.

Bukod pa dito, magkakaloob ang pamahalaang lokal ng Dinalupihan sa pamumuno ni Mayor Gila Garcia ng P2 Milyong piso sa 20 grupo ng mga magsasaka para magamit nila sa nasabing Kabalikat sa Kabuhayan.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · News

Comments are closed.

Shares