News

P15M ayuda, buong Dinalupihan mabibiyayaan

0

Ito ang tiniyak ni Municipal Social Welfare Officer, Ofelia Mendoza ng Dinalupihan matapos sabihin na 31 libong food packs na nagkakahalaga ng mahigit P15M ang kanilang ihinahanda base sa atas sa kanila ni Mayor Gila Garcia para ipamahagi sa mga Dinalupihenio lalo na yaong mga lubhang naapektuhan ng bagyong Fabian at habagat.

Ayon pa kay Mendoza, tuloy tuloy umano ang kanilang pagrerepack ng mga food packs na naglalaman ng 5kilong bigas, mga de lata, noodles at iba pa kahit Sabado at Linggo dahil gusto ni Mayor Gila na agad makarating ang ayuda sa mga mamamayan dahil higit nila itong kailangan sa ngayon.
Sinabi pa ni Mendoza na nakapagbigay na sila ng 5,586 food packs sa mga barangay ng Sta Isabel, Layac, Mabini extension, Padre Dandan, Bayan-bayanan at Pita, samantalang patuloy pa rin ang pamamahagi nila sa iba’t ibang barangay katulong ang mga barangay officials, at PNP.

SM donates relief packs to Dinalupihan

Previous article

Nabakunahan sa Dinalupihan, umabot na sa 7 libo

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News