banner

P36M inilaan ng SB Mariveles para sa ayuda

Written by
  • Zeny S.
  • 4 months ago

Sa ginanap na special session kamakailan ng Sangguniang Bayan ng Mariveles, P36 na milyong piso ang kanilang inilaan para mabigyan ng ayuda ang lahat ng pamilya sa kanilang bayan.

Ayon kay Vice Mayor Lito Rubia, ang halagang ito ay inilalaan nila upang ang bawat pamilya ay makatanggap ng 5 kilong bigas at P500. 00 cash sa halip na groceries.

Binigyang-diin ng mayorya na marami sa kanilang mga kababayan ay mayroon ding ibang pangangailangan tulad ng may mga pamiyang kailangang bumili ng gatas para sa kanilang maliliit na anak, gamot at iba pa.

Ayon pa sa mga konsehal, malaking tulong din umano ang cash na ito, dahil sa bayan din nila gagastusin o ipambibili sa mga sari-sari store, grocery stores, botika, palengke kung kaya nakatulong pa sila sa maliliit na negosyante sa gitna ng pandemya.
Maraming mamamayan ng Mariveles ang natuwa dahil umano bukod sa limang kilong bigas ay may 500 piso pa sila, na maipambibili ng iba pang pangangailangan, tulad ng gatas para sa kanilang mga anak.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares