banner

P6.01B nakolekta ng SSS (Luzon Central 2) sa unang 9 na buwan ng 2018

Written by
  • Mhike R. C.
  • 5 years ago

SAN FERNANDO CITY, Pampanga – Nakakolekta ang Luzon Central 2 area ng Social Security System o SSS ng halagang  P6.01bilyon mula sa kontribusyon ng mga members nitong unang siyam na buwan ng taong 2018.

Ito ang iniulat ni SSS President and CEO Emmanuel Dooc sa isinagawang pulong balitaan nitong Martes kung saan aniya tumaas ang kanilang koleksyon ng 10.7 percent mula sa P5.43 bilyon ng kaparehong period noong nagdaang taong 2017.

Aniya, 85 % o P5.09 bilyon dito ay mula sa kontribusyon ng employee members na sinundan ng voluntary na nakolektahan ng P596.55 milyon at self-employed members, P322.14 milyon.

Dagdag pa ni Dooc, tumaas ng 27.4 percent ang voluntary contributions pero bahagy naman aniyang bumaba ang kontribusyon ng mga self-employed members.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares