Pagpaparami ng kambing, suportado ng mga gobernador

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Suportado ni Gobernador Albert Garcia hindi lamang ang programa sa pagpaparami ng kambing sa lalawigan kundi pati na rin ang Green Revolution lalo na ngayong nararanasan ng mga mamamayan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ito ang ipinahayag ni Gob. Garcia sa idinaos na press conference sa pagitan ng mga mamamahayag at mga opisyal ng pamahalaan sa Bulwagan ng Bayan kasama sina Ilocos Norte Governor Imee Marcos at Senator JV Ejercito.
Binanggit din ni Marcos na isa sa mga programa ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Masagana 99 at Green Revolution noong 1969 – 1970’s na matagumpay namang sinuportahan ng mga magsasaka.
Isa sa mga benipisyong makukuha sa kambing bukod sa karne ay ang gatas na pwedeng pamalit sa gatas ng baka at kalabaw. Malaki din ang kita sa kambing.

Live Search