Pagpapatatag ng gender equality at workplace harmony sa bayan ng Pilar

Pagpapatatag ng gender equality at workplace harmony sa bayan ng Pilar

Matagumpay na naidaos ng Pamahalaang Bayan ng Pilar ang GAD Program Review, Evaluation and Workplace Cohesion Program katuwang ang DILG Bataan noong, ika-26 ng Nobyembre sa The Mansion Hotel, Subic Bay Freeport.

Ang nasabing gawain, ayon kay Mayor Charlie Pizarro ay nakatuon sa pagrepaso sa kanilang  2025 GAD Plan and Budget, pagpapalakas ng kanilang kakayahan sa paggamit ng mga HGDG tools at pagsasagawa ng Workplace Cohesion activities na magtataguyod nang mas inklusibo at gender responsive na pamamahala.

Sa kanyang mensahe binigyang-diin ni Mayor Pizarro ang pagsusulong ng gender equality at pagtitiyak na makikinabang  ang mga mamamayan sa mga programang pangkaunlaran. Kasama nila sa nasabing programa si Konsehala Rosario Paguio, chairperson Committee on Women and Family.

Naging tampok  na bahagi din ng programa ang, pagtalakay ni Ms. Cristy Blanco ng DILG-Bataan sa GAD laws, pagpresenta  ng GAD 2025 Plan and Budget ni Ms. Lilia Llagas, presentasyon ng GAD responsive project proposals  sa pangunguna ni MPDC Rosario Escoto at pagkilala, pagbibigay ng award sa Best GAD implementors.

Binati at pinasalamatan ni Mayor Charlie Pizarro ang lahat nang lumahok sa matagumpay at makahulugang programa ng kanilang pamahalaang bayan

Leave a comment