banner

Pagtaas ng presyo ng mga bilihin, hindi totoo

Written by
  • Jonie L. C.
  • 1 year ago

Mariing pinabulaanan ni Department of Trade and Industry DTI Provincial Director Nelin Cabahug ang napapabalitang nadoble ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan sa Bataan.

Ayon kay Director Cabahug, bago payagan na magtaas ng presyo ang mga tindahan at grocery stores, masusi muna itong pinag-aaralan ng kanilang ahensiya at dadaan pa umano ito sa kanilang head of office sa Maynila. May mga pagkakataon umano na may humihiling sa kanilang tanggapan na magtataas sila ng presyo, pero iyun ay pinag-aaralan muna ng Consumer’s Protection Division sa kanilang head office.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares