banner

Pagtatanim ng kabute, paiigtingin pa

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

PILAR, Bataan – Isang negosyante sa bayang ito ang susubok sa mga makabagong teknnolohiya na ibinabahagi ng mga farm technicians  mula sa Bataan Peninsula State University (BPSU) Abucay Campus para sa pagtatanim ng kabute.

Ayon kay G. Bert Dizon ng Brgy. Panilao, gusto niyang masubukang magparami ng kabute sa kanyang bukid. Sinabi ni Mang Bert na mayroon siyang kamag-anak sa Batangas na malaki umano ang kita sa pagkakabute.

Nitong nakaraang buwan ay idinaos ang Launching at  MOA Signing ng Community Based Rice-Mushroom Project Production Technologies and Innovations in Bataan for Sustainable Development  na ginanap sa Farmers Training Center BPSU Abucay Campus.

Kabilang sa mga dumalo si G. Dizon na isa sa mga napili na lumagda sa naturang kasunduan at susuporta sa lahat ng programa na ipapalaganap ng BPSU.

Nangako si Bb. Rina Paguia, project leader na lahat ng mga makabagong pamamaraan para umunlad ang mga magsasaka sa Bataan ay ituturo ng kanilang mga resource persons na nag-aral pa sa ibang bansa.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · News

Comments are closed.

Shares