LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Marami ang natuwa hindi lamang mga taga Balanga kundi maging taga ibang bayan nang pailawin ng mga opisyal ng Lungsod ang paligid ng Plaza Mayor de Balanga nitong nakaraang Lunes Disyembre 3.
Ayon kay Sandy Estrella, 24 taong gulang ng Candaba, Pampanga, lang sila nakakita ng ganitong estilo na akala mo ay mga puno at yungib na pinaiilawan na akala mo ay nasa ibang bansa ka.
Kaugnay nito pinasalamatan ni Balanga City Mayor Francis Garcia ang mga kasama niya sa Pamahalaang Panglungsod at higit sa lahat kay Consul Eddie de Guzman,ng de Guzman Group of Companies, na hindi umano maisasakatuparan ang ganito kagandang pagsisindi ng mga ilaw bilang pagsalubong sa Pasko kung wala ang suporta nilang lahat.
Pinasalamatan din ni Mayor Francis ang lahat ng mga nagmamay-ari ng mga malalaking establisimiyento na nakapaikot sa plaza ng Balanga gayun din si Bataan PNP Director P/Sr.Supt. Marcelo Dayag sa pagpapanatili sa katahimikan hindi lamang sa Balanga kung hindi maging sa buong Lalawigan ng Bataan