banner

Palikuran sa bawat tahanan

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

DINALUPIHAN, Bataan – Ipatutupad na ngayong taon ang isang ordinansang ipinasa hinggil sa pagkakaroon ng palikuran sa bawat tahanan sa buong bayan ng Dinalupihan.

Ayon kay Mayor Gila S. Garcia ayon sa programang National Sustainable Sanitation ng Department of Health, kailangan umano na sa darating ng taong 2020 ay zero-open-defecation ang status ng lahat ng barangay sa ating bansa.

Kung kaya’t ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Dr. Rey Matawaran ay nagpasa ng isang ordinansa na inoobliga ang lahat ng bahay na magkaroon ng sariling palikuran.

“Sasagutin ng Municipal Government ang toilet bowl at sasagutin naman ng mga may-ari ng bahay ang paglalagay ng septic tank” saad pa ni Mayor Gila.

Samantala ipinahayag ni Sangguniang Bayan Member Emmanuel Bajada, Chairman ng Committee on Environment na pwedeng maging supplier ng mga gamit ang mga pribadong kumpanya.

Ipinahayag pa ni Bajada na nakikipag-ugnayan na rin si Bataan Governor Albert Garcia sa mga pribadong kompanya na maaaring tumulong sa pagpapatupad ng naturang proyekto.

Article Tags:
·
Article Categories:
Environment · Health · News

Comments are closed.

Shares