AgricultureNews

Pamamahagi ng binhi, sinimulan na sa Samal

0

Sinabi ni Mayor Aida Macalinao na malaki umanong tulong ang hatid ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng Department. of Agriculture (DA) sa ilalim ng PhilRice, matapos na simulan noong ika-25 ng Mayo ang pamamahagi ng 1003 bags ng binhi ng palay sa mga magsasaka sa mga barangay ng Imelda, Gugo, Sapa at Lalawigan para sa unang batch.

Sa buwan ng Hunyo naman nakatakdang ipamahagi ang mga binhi para sa 2nd batch ng mga magsasaka. Ayon pa kay Mayor Macalinao, tamang tama ang pagdating ng mga binhi para sa pagsisimula ng pagtatanim sa papasok na panahon ng tag-ulan.
Ang pamamahagi ng mga binhi, ay isa sa apat na components ng RCEF SEED na layuning tumulong na mapababa ang gastos kasabay na mapa-angat ang ani at kita ng mga magsasaka.

Nagpasalamat si Mayor Macalinao sa mga taga DA, gayundin sa Municipal Agriculturist na si Ms. Nora A. Medina sa suportang ipinagkaloob sa mga magsasaka, gayundin kay Punong Barangay Reynaldo Matawaran ng Brgy.Imelda sa pagpapahiram ng kanilang multi-purpose hall upang paglagakan ng mga binhi.

One-Stop-Shop NBI satellite office, magbubukas na sa FAB

Previous article

Community pantry in Barangay Ipag, a success

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Agriculture