banner

Part 16

Written by
  • 1 Bataan .
  • 8 years ago

Mariveles

Ang bayan ng Mariveles ay matatagpuan sa pinaka-timog na bahagi ng Bataan. Mas kilala ito bilang “tahanan ng kauna-unahang export processing zone” sa Pilipinas na itinatag noong 1970, na naging simula upang maging maunlad ang naturang bayan. Naging masigla at masagana ang kabuhayan ng mga mamamayan nito.

May sukat na 15,390 ektarya, ang first-class municipality na ito ay binubuo ng 18 barangay. Umabot sa 102,844 ang bilang ng mga mamamayan sa bayang ito noong 2007 at 112,707 naman noong 2010. Ito ang pinakamalaking populasyon ng isang bayan sa buong Bataan dahil na rin sa Freeport Area of Bataan.

 

Maunlad na bayan

Nangunguna sa kasalukuyan ang Mariveles sa laki ng buwis na kinikita ng lokal na pamahalaan. Ito ay gawa ng maraming namumuhunan sa mga pabrikang itinayo sa loob ng zone na ngayo’y isa nang special economic zone at tinawag na Freeport Area of Bataan. Nasa Mariveles din ang Bataan Petrochemical Complex, Asian Terminal Inc., San Miguel Corporation Bulk Grain Terminal, Unioil, Total Philippines Corporation, Herma Shipyard Inc., GN Power Plant at ilan pang maliliit na manufacturing plants. Ang mga ito ang nagbibigay ng karagdagang tulong sa pamahalaan at mga mamamayan. Ang Maritime Academy of Asia and the Pacific (MAAP), ang nangungunanginternational maritime school sa bansa, ay matatagpuan din sa bayang ito. Hanggang sa kasalukuyan dagsa pa rin ang mga tao sa Mariveles dahil napakarami ng oportunidad na makahanap ng trabaho sa alinmang kompanya sa nasabing bayan.

Ang Mariveles na dati-rating tinatawag na “bayang malayo sa kabihasnan” ay itinatag bilang isang regular na bayan noong 1606 sa tulong ng mga paring Augustino Rekoleto. Pagkalipas ng may 400 taon, ang Mariveles ay isa nang first class municipality. Noong 2007, ang Mariveles ay kumita ng buwis na nagkakahalaga ng P150,701,935.98, ang pinakamataas sa buong Bataan.

Sa bayang ito nagmula sina Antonio G. Llamas (kinatawan ng Bataan sa Kongreso, 1922-1925, 1942-1946) at Cecil Lloyd, isang mahusay na mang-aawit at nakilala bilang si “Mystery Singer.”

Lumang kuwento

Sa isang lumang dokumento, ang “Datos Facilitados for El Presidente Municipal (Valentin Semilla y Guevarra) La Secretaria Ejecutiva” na may petsang Agosto 21, 1911, ay isinasaad ang mga sumusunod:

                 “…The first settlers of Mariveles were mostly Moros who established themselves in a place which became known as Samento. Here, a cult was founded for the worship of Balong-Anito (Spring of the Anitos) where they believed in the apparition of a diwata.”

Sa aklat na ‘Bataan: Land of Valor, People of Peace,’na isinulat ng isang paring Pilipino, si Rev. Fr. Wilfredo C. Paguio ng Pilar, sinasabing:

“…The first missionary to reach Mariveles was Fr. Sebastian de Baeza, a Franciscan. He came with other Spaniards less than a decade after the colonization of Manila by Miguel Lopez de Legaspi. He was the first to call Mariveles as ‘Batan’ (in the belief that Mariveles was also part of the ‘Partido de Batan,’ a new encomienda owned by Juan Esguerra de Batan”).

                 “…Fr. Baeza found the natives of Mariveles in their most primitive idolatry, worshipping the sun, the crocodile and other wild animals. A weird old man acting as their priest was served like a god by the natives. The natives also thought that homicide was laudable and meritorious and offered human sacrifices to their gods.”

Misyonaryo

Bagamat nasa bukana lamang ng Manila Bay ay hindi agad nasakop ng mga Kastila sa pamumuno nina Miguel Lopez de Legaspi at Heneral Juan Salcedo ang Mariveles, gayundin ang Corregidor at Maragondon nang dumating sila sa Maynila noong 1572. Lumipas pa ang maraming taon at nito na lamang 1605 nasakop ng mga Kastila ang Mariveles, Corregidor at Maragondon.

Corregimiento

Sa halip na mapasama sa “Partido de Batan” ni Tenyente Juan Esguerra, ang Mariveles, Corregidor at Maragondon ay pinag-isa at ginawang isa pang partido – ang “Corregimiento de Mariveles.”Ang mga nasabing lugar ay ginawang isang encomienda at pinamahalaan ni Kapitan Blas Rosales na kaypala’y siya rin palang namuno para masakop ng mga Kastila ang Mariveles, Corregidor at Maragondon,

Kalaunan, pati ang mga bayan ng Bagac at Morong at napasama rin sa corregimiento. Noong Hulyo 15, 1754 ay nabuwag din ang “Corregimiento de Mariveles.” Ang Mariveles, Corregidor, Bagac at Morong ay naging bahagi ng bagong-tatag na lalawigan ng Bataan. Subalit ang Maragondon ay nabawi naman ng Cavite, batay sa utos ni Gobernador-Heneral Manuel Arandia na ipinalabas noong 1754.

Sa kasamaang-palad, ang Corregidor at ang iba pang maliliit na isla sa loob ng Manila Bay ay biglang napunta sa ilalim sa hurisdiksyon ng Cavite simula noong 1903. Ito ay naging isang malaking usapin kung kaya hanggang sa kasalukuyan ay pinipilit pa ring bawiin ng Bataan ang Corregidor mula sa Cavite.

 

Alamat ng Mariveles

Ayon sa tala ng “Bataan Profile 2000” ni Cora Ross-Zabala, dating provincial information officer ng Bataan, ang pangalan ng Mariveles ay nagmula umano sa mga salitang “maraming dilis.”Makatwiran umano ito dahil sa baybaying-dagat ng nasabing bayan ay maraming nahuhuling isdang dilis (o anchovy).

May isa pang kuwentong ginawa ng isang manunulat na Amerikanong si Clyde Foreman (awtor ng The Philippine Islands) na nagsabing “hinango ang pangalan ng Mariveles sa ngalan ng isang mongha na nakilalang si Maria Velez. Ganito ang salin sa Tagalog ng kuwento ni Foreman:

            “Si Maria Velez ay isang magandang dalaga na nakarating sa Pilipinas mula sa bansang Mexico noong ika-17 siglo. Hustong labingpitong taong gulang na si Maria nang piliin niyang magmadre sa Kumbento ng Santa Clara sa Maynila. Sa kumbento ay nakilala niya at natutuhang mahalin ang isang paring Pransiskano na umibig din sa kanya.

            “Dahil ipinagbabawal sa batas ng Simbahan ang nasabing pag-iibigan, tinangka ng dalawa na magtanan. Magkasama silang nagtungo sa Kamaya (dating pangalan ng Mariveles) at doon naghintay ng isang barkong galleon na maghahatid sa kanila sa Mexico.

            “Sa Maynila, ang pagtatanan ng dalawa ay mabilis na kumalat at naging isang malaking eskandalo ng Simbahan. Dahil dito, naging masidhi ang pagnanasa ng maykapangyarihan na mahuli ang dalawa. Nakarating sila sa Corregidor at sa Kamaya sa paghahanap sa mga nagtanan.

            “Sa dalampasigan ng Kamaya natagpuan ng mga awtoridad ang dalawa. Si Maria ay naroong gula-gulanit ang damit at duguan, Katabi niya ang paring Pransiskano na nauna palang bugbugin ng ilang kalalakihan na nahumaling din sa ganda ni Maria Velez. “Ang pari ay agad na dinala pabalik sa Maynila. Matapos gumaling ay itinalaga siya sa Bisaya para magpalaganap ng Kristiyanismo. Pagkatapos ng isang taon ay ibinalik siya sa Mexico at itinago sa loob ng isang seminaryo. “Si Maria Velez naman ay isinailalim sa pamamahala ng pinuno ng Corregidor.

            “Ang kasaysayan ng pag-ibig ng dalawa ay patuloy na pinanatiling buhay nang ipangalan sa Pransiskanong pari ang isang isla sa Corregidor — ang ‘Fraile Island’. Katabi nito ang ‘Monja Island’ na isinunod naman kay Maria Velez. Sa pangalan din ng madre hinango ang pangalan ng bayan – Mariveles – na kanyang pinuntahan matapos magtanan.”.

Ayon sa isang kritiko, ang nasabing kuwento ni Foreman ay kawangis ng isang telenobela ngunit hindi dapat paniwalaan dahil wala itong “historical basis.” Nagkagayonman, ang kuwento ni Foreman ay napasali sa mga kuwentong isinasaad sa mga librong “Balik-tanaw” ng Department of Education (na nalimbag noong 1989) at sa “History of the Bataan Province” ni dating schools superintendent Victor de Leon (1953). Walang namang binanggit na Alamat ukol kay Maria Velez si Fr. Wilfredo C. Paguio sa kanyang aklat na “Bataan. Land of Valor, People of Peace.”

Ibang istorya

Sa aklat na “Economic and Historical Sketch of Bataan” ni Eulogio Balan Rodriquez (na nalimbag noong 1916) ay mababasa ang ilang maiikling ulat ukol sa mga Alamat ng Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal, Balanga, Abukay, Pilar, Orion, Moron, at Bagac.

Bagama’t naturingang National Librarian ng Pilipinas noong kanyang kapanahunan, si Eulogio Rodriguez ay hindi man lang nagtangkang banggitin kung bakit tinawag na Mariveles ang Mariveles. Gayonpaman, nagawang itala ni G. Rodriguez sa kanyang aklat na sa pangalang “Lusung” unang nakilala ng mga Intsik ang Mariveles at ang kabuuan ng Bataan. “Kamaya” naman ang ginamit niya bilang dating pangalan ng Corregidor. Ang salitang “Kamaya” ay binanggit din ni Rev. Fr. Wilfredo C. Paguio sa kanyang aklat na “Bataan: Land of Valor, People of Peace.Aniya: “Ang Kamaya ay salitang Intsik na ang ibig sabihin ay isang “lugar na pansamantalang dinadaungan ng mga barko bago magtungo sa Maynila. Puwede ring ito ay tumutukoy sa ‘isang bulubunduking lugar na matatagpuan sa bunganga ng Manila Bay.’”

Ang mga kilalang historyador ng Bataan na sina G. Rodriguez at Fr. Paguio ay nagkaiba ng mga pahayag ukol sa pangalan ng Mariveles at Corregidor.

 

Ibang pangalan

Sa aklat na ‘Foreign Devils’ na isinulat ng Australyanong si Pat Barr, binanggit niya ang mga sumusunod: “…As Chinese goods flowed in a continuous stream into the Philippines as early as the 11th century, it was Chinese Admiral Cheng Ho who made it possible for China to gain control of the Philippine trade. From 1405 to 1417, Ho’s fleet visited Pangasinan, Mindoro and Sulu to promote trade with the natives.

                 “Upon entering Manila Bay, Ho gave Mariveles a Chinese name which meant ‘Gate Hill.’ From then on, ‘Gate Hill’ became the initial and unofficial name of Mariveles as far as the Chinese and Japanese traders were concerned.”

                 “Admiral Ho also named Corregidor as ‘Sandstone Hollow,’ which means ‘all rocks and no soil.’”

 

Isa pang pangalan

Sa isang lumang aklat ni Professor H. Otley Beyer na may pamagat na Philippine Prehistory, sinabi niya na nagkaroon ng bagong pangalan ang “Lusung” (Mariveles) noong makarating na sa Luson ang mga Kastila. Si Martin de Goiti, tauhan ni Miguel Lopez de Legaspi, ang mismong nagbinyag at nagbigay ng pangalang “Mar Belleza” sa bayan ng Mariveles.

Habang papasok umano ng Manila Bay ay lubhang naakit at nasiyahan si Goiti sa kagandahan ng dagat, ng isla ng Corregidor at ng bulubundukin ng Mariveles. Agad niyang tinawag ang lugar na “Mar Belleza,” na kasinghulugan ng salitang “Exotic Sea.” Agad umanong itinala Fr. Andres de Urdaneta ang nasabing pangalan. Magbuhat noon ay tinawag nang “Mar Belleza” ang nasabing lugar. Sa pagdaraan ng panahon, ang pangalan ay nabago, umikli hanggang maging “Mariveles.”

Huling Alamat

May isa pang lumang dokumento na may petsang 1621 na nagsasabing ang Mariveles, ang bayan na matatagpuan sa bunganga ng Manila Bay, ay malaon nang tinatawag na “Mirabeles” o “Manavilis.”.

Simula ng Mariveles

May isang bagong tuklas na dokumento na nanggaling sa Wikipedia ang nagsabing ang pangalan ng Mariveles sa hinango sa pangalan ng “Marbella,” isang pamosong village by the sea resort na matatagpuan sa lalawigan ng Malaga, sa bansang Espanya. Hindi ang lugar mismo ng Marbella ang tinutukoy ditto, kundi ang mga taga-Marbella mismo. Lumilitaw na ang mga naninirahan sa nasabing bayan ay tinatawag na “Maribellis” o dili kaya’y “Maribellies,” batay sa aklat na ‘Historia de Mallaga y su Provincia.’”

Pinatutunayan ito ng isang lumang dokumento na may pamagat na “Speculum Indiae Navigationum” na ginawa ni Joris Van Spillbergen at inilathala noong 1619. Sa nasabing dokumento ay naroon ang isang mapa ng Manila Bay, kasama ang Mariveles at Corregidor, At naroong nakatatak sa ibabaw mismo ng isla ng Corregidor ay ang salitang “Maribellis.” Nilinaw pa ni Joris Van Spillbergen na ang Mariveles, Corregidor at ang iba pang maliliit na isla sa paligid ay bahagi ng “Maribellis.” Ang MARBELLA ay salitang Inglis. Sa wikang Kastila, ito ay “MARIBELA,”isang bayan sa Malaga. Espanya.

 

Balik-kasaysayan

Nauna nang nabanggit ang pangalan ni Kapitan BLAS ROSALES, ang encomendero ng Mariveles, Corregidor, Maragondon, Bagac at Morong. Siya rin ang nanguna sa isang hukbo na nagpatahimik sa mga nabanggit ng lugar noong 1605. At higit sa lahat, siya ang kauna-unahang pinakamataas na pinuno (Spanish magistrate) sa itinatag na “Corregiminto de Mariveles.” Sa hindi nakaaalam, may isa pang katawagan ang “Corregimiento de Mariveles,” ang “Porto del Maribelles” o “Port of the Marbellans” sa wikang Inglis. Ang ibig sabihin nito, ang bungad ng Manila Bay ay nasa ilalim ng proteksyon at pangangalaga ng isang hukbo na pawang taga-Marbella (Maribela), Espanya..

Makatwiran lamang marahil isipin na si Kapitan Blas Rosales ay taga-Marbella at ang mga kasama niyang sundalo na nagbabantay sa bungad ng Manila Bay ay pawang kababayan niya sa Malaga, Espanya. Hindi ito malayo sa katotohanan sapagkat karaniwan nang nangyayari na kapag ang isang opisyal na Kastila na nanggaling pa sa Eapanya ay karaniwan na mga kababayan niya an isinasama sa isang ekspedisyon, halimbawa’y sa Pilipinas. Kahit paano ay sigurado siyang hindi siya pagtataksilan ng kanyang sariling kababayan.

Kaya naman matapos maitatag ng mga Agostino Rekoletos noong 1606 ang Mariveles bilang isang regular na bayan, ang Mariveles ay nagsimulang tawaging “Tierra del Maribellis” o “Land of the Marbellans.

May isa pang lumang dokumento na may petsang 1621 na nagsasabing ang Mariveles ay paminsan-minsang tinatawag na “Mirabeles” at “Manavilis,” isang bayan na matatagpuan sa bukana ng Manila Bay. Ang salitang “Manavilis” ay isang corrupted Spanish word na ang ibig sabihin ay “Men of Bellis,” o kaya’y “Men from Bellis.”

 

Mga Pinunong Naglingkod sa Mariveles

(1901-2016)

Blg.     Alkalde                                              Bise-alkalde                                       Taon

  1. Domingo Yraola                         (Hindi kilala)                                        1901-1902**
  2. Francisco Mendoza                        “                                                            1902-1902**
  3. Domingo Yraola                        “                                                           1902-1903**
  4. Francisco Mendoza                           “ 1903-1905
  5. Crisanto Rodriguez                       “                                               1905-1906
  6. Pedro Yaneza                        “                                                1906-1907**
  7. Esteban Gonzales                        “                                               1908-1909
  8. Valentin Semilla                        “                                               1910-1912
  9. Jose Sarreal                        “                                               1912-1916

Jose Sarreal                                      “                                                          1916-1919

  1. Claro Paguio                        “                                                           1919-1922

Claro Paguio“                                                                                                  1922-1925

  1. Jose Sarreal                         “                                                           1925-1928
  2. Ciriaco Maglaya                        “                                                           1928-1931
  3. Sebastian Rodriguez                        “                                                          1931-1934
  4. Jose Sarreal                        “                                                          1934-1937

Jose Sarreal                                      “                                               1938-1941

WAR TIME. NO CIVIL GOVERNMENT(1942-1945)

  1. Silvestre Yraula                                 “                                                1945-1947**

Silvestre Yraula                                 “                                                          1948-1951

Silvestre Yraula                                  “                                                           1952-1955

  1. Jose Advincula            “                                                          1956-1959
  2. Benito Reyes            “                                                          1960-1963

Benito Reyes                                     “                                                          1964-1967

  1. Carlos L. Sarreal            “                                                          1968-1971

Carlos L. Sarreal                                 “                                                           1972-1975

Carlos L. Sarreal                                 “                                                           1976-1979

  1. Dioscoro Manrique            “                                                          1979-1979&**
  2. Cristina S. Sarreal             M.O. Buenaventura                           1980-1982
  3. Melba O. Buenaventura          “                                                            1982-1987**
  4. Oscar delos Reyes          “                                                 1988-1992

Oscar delos Reyes                          “                                                 1992-1995

Oscar delos Reyes                          “                                                 1995-1998

23       Angel V. Peliglorio Jr.                         Victoriano Isip                                     1998-2001

Angel V. Peliglorio Jr                         Jesse I. Concepcion                           2001-2004

Angel V. Peliglorio Jr                       “                                                 2004-2007

24       Dr. Jesse I. Concepcion                     Victoriano Isip                                     2007-2010

Dr. Jesse I. Concepcion                     Victoriano Isip                                     2010-2013

           Dr. Jesse I. Concepcion                   Victoriano Isip                                 2013-2016

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Article Tags:
·
Article Categories:
Bataan History

Comments are closed.

Shares