banner

Pingkian ng kaalaman sa Kampong Balagtas

Written by
  • Zeny S.
  • 5 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Magiging sentro ng Tagisan ng Talino sa Araw ni Balagtas ang Orion Elementary School sa bayan ng Orion, na ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino ay handand-handa na sa darating na  ika 2 hanggang ika-4 ng Abril sa taong ito.

Sa inihandang kumperensya ng KWF sa  mga kabataang manunulat, sila ay makikipagtagisan ng dunong sa isa’t isa sa tula at sanaysay.

Magkakaroon din umano ng Pingkian ng Kaalaman sa Paglikha ng Kundiman, Pagbasa ng Pasyon, Pag awit ng Lahi, Pagsulat ng kwentong bayan at bagong Pagtula ng Epikong bayan.

Kasabay nito ayon pa sa kinatawan ng KWF, magkakaroon din ng pagtitipon  sa iba’t ibang lugar ng kumperensya sa epikong bayan, paligsahan  sa pagsulat ng pampanitikan, pagsasalin ng akdang Sebwano, Phil. International Literary Festival, Capiztahan, na kung saan ang tampok umano ng lahat ng ito ay ang Kongreso ng mga Manunulat.

Tinatayang aabot sa mahigit sa isandaang mag aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa loob at labas ng lalawigan na nasa ika-7 hanggang ika-11 baitang ang lalahok sa ika-230 taong Pagdiriwang ng  Kampong Balagtas.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares