Pitong (7) barangay sa Abucay, pasok sa DILG Best Performing Barangays

Lubos na ikinatuwa ni Mayor Erik Martel na pito (7) sa siyam (9) na barangay sa bayan ng Abucay ay nanalo sa DILG Best Performing Barangays bagama’t nagtaka rin umano siya na hindi nakapasa ang dalawang barangay na magagaling at laging may award.

 

Sa kanyang mensahe sinabi ni Mayor Martel na malaking bagay ang panalong ito dahil nangangahulugang lahat sila ay nagtatrabaho para sa mamamayan at sisikapin umano niya na sa susunod na taon na 9 out of 9 na ang kanilang panalo.

 

Ang nasabing parangal ay bilang pagkilala sa sipag, integridad at malasakit na ipinamalas ng pitong barangay, bilang mga nakapasa sa Excellence in Service and Transparency for Barangay o Best Barangay Performance Audit for Calendar year 2025.

Leave a comment