banner

Quarrying project sa Limay, masusing pag-aaralan

Written by
  • Zeny S.
  • 5 months ago

Tahasang sinabi ni Limay Vice Mayor Richie David na ipina hold muna niya ang daang milyong pisong quarrying project ng Cargon Mining Corporation, dahil isa umano itong environmentally critical project na kailangan munang masusing pag aralan.

Sa isang panayam, sinabi ni Vice Mayor David na ang mga opisyal ng Cargon Mining Corporation ay may mga papeles na may lagda pa umano ni DENR Sec Roy Cimatu, na nagsasaad na magkakaroon ng quarrying sa gitna ng karagatan na sakop ng bayan ng Limay.

Nagitla umano si David sa dahilang wala man lang naunang pakikipag-ugnayan ang nasabing kompanya sa kanila at agad agad ay magsasabing magkakaroon ng quarrying project kung kaya’t tahasan niyang sinabi na hindi muna ito matutuloy dahil marami pang prosesong pagdaraanan.

Una na rito ay kailangan ang public hearing o public consultation upang malaman ang mga opinyon ng mga mamamayan, mga environment advocates, higit ang mga mangingisda na tahasang maaapektuhan ng nasabing proyekto. Mmula dito ay gagawa umano ng resolution ang Sangguniang Bayan kung dapat nga ba silang mabigyan ng Environmental Compliance Certificate (ECC), dahil kapag hindi sila nabigyan o walang naipakitang ECC mula sa Environmental Management Bureau (EMB) ang nasabing kompanya, ibig lang ipakahulugan noon na hindi pwedeng ituloy ang nasabing proyekto.
Sa ngayon, ayon kay Vice Mayor David, hinihintay nila ang magiging kasagutan ng Cargon Mining Corporation.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares