Risers, napanatili ang winning streak kontra Kuyas!

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – “The winning streak continues!” Iyan ang sinabi ng mga fans ng ating pinakamamahal na Bataan Risers dahil sa kanilang pagkapanalo nang talunin nila ang koponan na Bulacan Kuyas sa iskor na 63 – 49 kagabi sa Bataan People’s Center ng Lungsod na ito.
Dahil sa kanilang pagkapanalo, napanatili nila ang kanilang winning streak sa sampu (10).
Sa unang quarter ng laro ay dikitan ang laban dahil sa matinding depensa na pinairal ng parehong koponan kaya ang iskor nila nang matapos ang nasabing quarter ay 15-15.
Pero mula nung 2nd quarter hanggang 4th quarter, dahil sa matinding opensa at dipensa at syempre sa teamwork, nanaig ang Risers at natapos ang laro na may mataas na kalamangan na umabot sa katorse (14).
Best Player of the Game ay si Byron Villarias na may 14 puntos, 10 rebounds, 3 assists, at 3 steals.
Ang mga susunod na laban ng ating Bataan Risers ay gaganapin sa November 3, Sabado kalaban ang koponan ng Pasay Voyagers at sa December 10, Lunes, kontra sa San Juan Knights. Gaganapin ang mga nasabing laro dito pa rin sa ating home court sa Bataan Peoples Center.