banner

Sayaw para sa Pagbabago, inilunsad ng Bataan PPO

Written by
  • Mhike R. C.
  • 4 years ago

CAMP TOLENTINO – Umabot sa isanlibo limandaang Bataenyo ang nakiisa nitong Biernes sa isinagawang Zumba Dance with the stars na may temang “Sayaw ng Pagbabago” bilang suporta sa anti illegal drugs campaign ng pamahalaang Duterte.

Ayon kay Bataan PPO provincial director, Senior Supt. Marcelo Dayag, proyekto ito ng Bataan police at ng Bataan Anti Drug Abuse Council na pinamumunuan naman ni MBDA general manager Charlie Pizarro, Jr. at ng provincial government ng Bataan.

Dumalo sa naturang event ang dalawang celebrity stars na sina Arny Ross at Ashley Rivera,  Samal Mayor Gene Dela Fuente, Pilar Mayor Alice Pizarro, mga chiefs of police, mga ABC Presidents mula sa ibat ibang bayan at mga NGOs.

Ayon kay Dayag ang perang nalikom sa naturang aktibidad ay gagamitin sa pagtulong sa mga reformation centers at rehabilitasyon ng mga drug reformists.

Article Tags:
·
Article Categories:
Health · News · Peace & Order

Comments are closed.

Shares