LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ipinaliwanag ni Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Director Nellin Cabahug ang mga bagong programang ilulunsad ng kanilang ahensya ngayong taong 2017 sa ginanap na Kapihan sa DTI sa The Plaza Hotel ng lungsod na ito, nitong nagdaang Biyernes, ika-10 ng Pebrero..
Isa sa mga nasabing bagong programa ay ang Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso kung saan P1 bilyon ang ibubuhos ng pamahalaan sa ating mga kababayang miyembro ng mga kooperatiba at maging mga indibidwal.
Nilinaw ni Cabahug na bagama’t wala pa sa kamay ng DTI ang badyet ay pinaplantsa na ng kanilang ahensiya ang sistema ng pagpapautang.
Samantala, ipinaalala naman ni Connie Sanico kawani ng DTI na ugaliing maging mapagmatyag sa mga etiketa (labels) ng mga produktong binibili, partikular na ang expiration date ng bawa’t produkto.
Binigyang diin din ni Sanico ang hindi pagbibigay ng tamang sukli ng mga malls, tindahan at maging mga driver ng mga pampublikong sasakyan. Matatandaang naging ugali ng ibang establisimyento na magbigay ng candy bilang sukli sa kanilang mga mamimili o pasahero.
Papatawan umano ng kasong paglabag sa ilalim ng Republic Act 10909, na mas lalong kilala sa tawag na “No Shortchanging Act” ang mapapatunayang lumalabag sa nasabing batas.
The “No Shortchanging Act” law mandates all businesses and establishments in the entire Philippines including all sari-sari stores to give exact change to customers. No more candy or Thank you! They have to give the exact change or else be penalized for P500 for first time offenders, P15,000 for second offenders along with a three-month suspension of license to operate and finally, the 3rd and final warning will be a whooping P25,000 penalty and a cancellation of the business license.