banner

Tatlong asosasyon, tatanggap ng tulong mula sa DOLE

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Tiniyak kahapon ni G. Rico Val Bacuyag, Officer lll In-charge of Livelihood Program ng Department of Labor and Employment (DOLE), na matatanggap na ngayong taon ang hiniling na pondo ng tatlong asosasyon upang ipambili ng mga kagamitan na magagamit  sa kanilang kabuhayan.

Ito ay ang Tanato Multi Purpose Cooperative at Grupo ng mga Kababaehan (Barangay Pasalubong Center) sa Lungsod ng Balanga at ang grupo ng mga mangingisda (Katipunan ng mga Bagong Pilipina) sa bayan ng Hermosa.

Sinabi pa Bacuyag na ang hiniling ng Tanato Multi Purpose ay mga dagdag kagamitan gaya ng 10 piraso na Wine Storage Kit, isang measurement steel, at mga bottled copper na aabot umano sa halagang Php192,000.00.

Dagdag pa rito makukuha na rin ang mga makina sa paggawa ng Banana Vinegar, Vegetables Chips, Brown Rice, Fresh Fruits and Vegetables na proyekto ng Barangay Pasalubong Center na pinatatakbo ng mga Kababaihan sa Barangay Dangcol na nagkakahalaga ng Php500,000.00.

Mabibiyayaan din ng 2 handtractors ang mga magsasaka habang anim na bangkang de motor (7.5 horse power) na pangisda na nagkakahalaga ng Php560,000.00 ang tatanggapin ng mga mangingisda na kaanib ng Katipunan ng mga Bagong Pilipina sa pangunguna ng kanilang Chairman na si Lolita Arellano.

“Ang grupo ay mayroong 15 miyembro na pawang mga babae dahil ang kanilang mga asawa naman ay pawang mga mangingisda” paliwanag ni Mr. Bacuyag.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · Business · News · Social Welfare

Comments are closed.

Shares