Tatlong LGUs sa Bataan, pinarangalan sa FishCa Awards

Tatlong (3) Local Government Units (LGUs) sa lalawigan ng Bataan ang pinarangalan sa 2024 Fisheries Compliance Audit ( FishCa) National Awards.

Ang Ikalawang Gantimpala ay nakuha ng Lungsod ng Balanga, Ikatlong Gantimpala naman ang nakuha ng bayan ng Samal samantalang Ikalimang Gantimpala ang nakuha ng bayan ng Pilar.

Ang nasabing tagumpay ay patunay ng matibay na paninindigan sa pangangalaga ng kalikasan, pagsusulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng pangisdaan at mahusay na pamamahala sa lokal na pamahalaan.

Malugod na pagbati ang ipinaabot ni Gov. Joet sa ating mga LGUs sa patuloy na pagtaas ng antas at pagbibigay karangalan sa Bataan. Asahan umano ang kanyang buong  suporta sa mga ganitong programa na nakatuon sa pagyabong ng mga likas-yaman at pag-unlad ng bawat pamilyang Bataeño.

Leave a comment