banner

Taus-pusong pasasalamat ni Cong Abet Garcia

Written by
Taus-pusong pasasalamat ni Cong Abet Garcia
  • Zeny S.
  • 4 weeks ago

Sa gitna ng pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa may 216 pamilyang- benepisaryo sa 1Bataan Housing Village sa bayan ng Orion, muling pinili ng magiting na Kinatawan ng Ikalawang Distrito na doon ganapin ang simpleng selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Taus-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Cong Abet sa DSWD sa patuloy na pagtulong at pagbibigay ng tulong sa mga benepisaryo gayundin sa National Housing Authority (NHA) sa pumumuno ni Sec. Jerry Acuzar, kay Arch. Henry Mayuga at Mayor Tonypep Raymundo sa patuloy na pakikipagtulungan para maisakatuparan ang mga pangarap ng ating mga kababayang naging biktima ng sunog.

Sa kanyang mensahe sinabi rin ni Cong Abet na simula noong 2019 matapos ang sunog hanggang sa nakalipat na ang may 216 na pamilya sa nasabing housing project ay tuloy tuloy pa rin umano ang mga pagawain kung saan sa ngayon ay itinatayo na ang kanilang covered basketball court, sewage treatment, fisherman’s wharf, community market, chapel, satellite office ng BFP at PNP.

Natutuwa umano siya na sa limang taong nakalipas ay malayo na ang kanilang narating at sa ngayon naman ay sinisimulan na ang 1Bataan Housing Village Orion Phase II.

Article Categories:
Education

Leave a Reply

Shares