Tayo nang magtanim ng gulay

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Namahagi ng mga buto ang Eastwest Seed Company sa mga magsasaka nang magsagawa ito ng Farmers Day/ Expo Vegetables sa sakahan ni G. Joel Balboa sa Sityo Maluang Cupang Proper noong Miyerkules.

Ayon kay Kagawad Arthur Olivera, isang magsasaka na nagtatanim ng kamatis na nasubukan na niyang itanim ang mga buto galing sa Eastwest Seed na 100 porsientong tumubo kaya wala umanong lugi at hindi ka magsisisi.

Sinabi naman ni G. Joel  isang Medtech nakagiliwan niyang magtanim ng talong, kamatis, okra at iba pang gulay sa kanyang bukid dahil bukod sa maganda sa kalusugan ang pagkain ng gulay ay kumikita pa siya dito.

Pinatunayan naman ito ni G. Jeffrey Rodriquez ng Eastwest Seed na maganda rin ang kita sa pagtatanim ng kamatis at hinalimbawa niya na kung tataniman mo ang  1,000 sq. meters na kamatis matatamnam ito ng 2,000 puno ng kamatis.

Ipinahayag pa ni Rodriquez na makapipitas daw sa isang puno ng  may 2 kilong bunga, kung kaya’t sa 2,000 puno sa 2 kilo, aabot ng 4,000 kilo ang aanihin at kung halimbawa daw na pumatak sa P10 kada kilo mayroon ka ng P40,000 isang anihan pa lang iyan kung bumaba man na hanggang sa P5.00 hahalaga daw ito ng P25,000.

Ipinaliwanag pa ni Rodriquez na sa 1,000 sq. meters ang average na gastos dito ay P18,000-P25,000 depende daw sa pamamahala, kung tumaas naman daw sa P20 kada kilo ang presyo ng kamatis kikita ka ng P80,000.

Kaya hinimok ng Eastwest Seed na magtanim na lang ng gulay dahil sa gulay yayaman ka daw. Oh di ba? Kaya halina magtanim ng maraming gulay.