banner

Tayo nang magtanim ng kamoteng kahoy

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

SAMAL, Bataan – Hinimok ni Mayor Gene Malibiran dela Fuente ng bayang ito ang kanyang mga kababayang magsasaka na magtanim ng kamoteng kahoy sa mga bakanteng lugar lalo na sa upland areas.

Ayon kay G. Genezareth Macahilig, Agricultural Technologist sa Samal, isa mga prayoridad na proyekto ni Mayor Gene para sa mga magsasaka ay ang pagtatanim ng cassava sa mga upland areas at mga bakanteng lugar sa buong bayan.

Napag-alaman din kay G. Macahilig na mahigit sa 50 miyembro ng Samal Upland Farmers Association (SUFA) sa pamumuno ni Gng. Felicidad Benavides ang nagtatanim na ngayon ng kamoteng kahoy (cassava). Mayroon umanong 200 ektaryang lupain na sa ngayon ang may tanim ng kamoteng kahoy sa loob at labas ng Samal dahil inarendahan ng ibang mga kasapi ng asosasyon ang mga lupang nakatiwangwang sa ibang lugar na pwedeng tanman ng cassava.

Sa kasalukuyan pahayag pa ni Macahilig, dalawang granulator machines ang pinatatakbo ng munisipyo na siyang gigiling sa mga cassava para itinda para gawing feeds o pagkain ng tao.

Ang cassava ay maaaring anihin makaraan ang isang taon.

Ang mga produktong maaaring gawin mula sa kamoteng kahoy ay pandikit, gamot, fuel, feeds, paggawa ng sago, cassava flour, cassava cake at marami pang iba.

Sinabi rin ni G. Macahilig na kung ang iba nating mga kababayan sa ibang lugar ay mayroong tanim na kamoteng kahoy maaari nilang ibenta ito sa kanilang tanggapan sa Samal sa halagang P4/kilo.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · Business · News

Comments are closed.

Shares