banner

Totoong may pera sa basura!

Written by
  • Zeny S.
  • 6 years ago

SAMAL, Bataan – Ayon kay Punong Barangay Glenn Velasco ng Brgy. Tabing Ilog ng bayang ito, ang kanilang simpleng composting na galing sa biodegrable waste na ginagawang organic fertilizer ay isa nang income generating project na nag aakyat ng malaking pondo sa kanilang barangay.

Dahil sa mahusay na pamamalakad ni Kapitan Glenn Velasco, sa kanilang solid waste management system, katulong ang kanyang buong konseho ay kanilang nakuha ang puso at partisipasyon ng kanilang mga kabarangay para sa maayos  na paghihiwa-hiwalay at koleksyon ng basura. Ito rin ay dahil sa pagkakaroon  ng material recovery facility (MRF) sa kanilang lugar.

Sinabi rin ni Velasco na ang mga basurang nabubulok tulad ng kitchen waste o yong mga pinaglinisan ng isda, gulay at iba pa na kanilang kinokolekta sa itinakdang araw at oras ay tumutuloy umano sa nasabing MRF.

Paliwanag pa ni Velasco na ito umano ay dumararaan sa proseso ng composting na ang end-product ay organic fertilizer na sinimulan nila noong September 2015.

Ang mga organic fertilizer na kanila umanong  isinasako ay binibili sa murang  halaga ng mga magsasaka para sa kanilang mga tanim at halaman sa bukid.

Kung nung dati, ay mula pa sa pondo ng barangay ang pasahod para sa kanilang  mga manggagawa  doon,  pero dahil sa lumalaking  pangangailangan ng organic fertilizer ay lumaki na ang kita ng barangay  mula dito.

Sa ngayon ay may order sila na 6 na tonelada o katumbas ng 6,000 kilo ng organic fertilizer na nagkakahalaga ng P250.00  kada sako.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares